Army reservist itinumba

BULACAN, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng 39-anyos na reservist ng Phil. Army matapos pagbabarilin motorcycle-riding gunmen habang inaasikaso ang kanyang tindahan sa Devine Mercy Church sa Barangay Sta. Rosa 1, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon. Base sa ulat ni PO3 Enrique Areja, inaasikaso ng biktimang si Rommel Sotayco ang mga tangke ng LPG sa likuran ng kanyang tindahan nang biglang lapitan at pagbabarilin. Sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa negosyo ang isa sa motibo ng gunman.

Show comments