CAVITE, Philippines – Napaslang ang 19-anyos na binata matapos na pagsasaksakin ng mga di-kilalang tinedyer sa naganap na gang war sa Barangay San Nicolas 2, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi. Lumilitaw na naglalakad ang biktimang si Kim Lauce kasama ang dalawa nitong kaibigan nang harangin ng grupo ng kabataan. Dito na nagkainitan kung saan humantong sa rambulan hanggang sa masaksak ang biktima ng kalabang grupo. Natigil lamang ang rambulan matapos bumulagta ang biktima kung saan naisugod pa sa ospital subalit namatay din.