Binata inutas dahil sa droga

QUEZON , Philippines   - Pinaniniwalaang onsehan sa bentahan ng bawal na droga ang isa sa dahilan kaya pinatay ang 24-anyos na binata habang ito ay naglalaro ng tong-it sa Sitio Ibaba Petron, Barangay Lusacan sa bayan ng Tiaong, Quezon, kamakalawa ng hapon. Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Venerando Luna, walang trabaho at nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni SPO1 Sherwin Bonsol, lumilitaw na nakikipag-tong-it  ang biktima sa mga kapitbahay nang lapitan at pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki. Palakad na lumayo ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril habang nakatulala ang ilang ka-tong-it ng biktima. Sa record ng pulisya, ang biktima ay sinasabing sangkot sa illegal drug trade kaya ito ang tinitingnang isa sa motibo sa pamamaslang.

Show comments