Encounter: 10 Army ng special forces nawawala

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 10-sundalo ng elite  Special Forces ng Philippine Army ang iniulat na nawawala  matapos na makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army sa kagu­batan ng Barangay Anti­cala, Butuan City sa Agusan­ del Norte, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, bandang alas-3 ng hapon noong Miyerkules nang makasagupa ng Philippine Army ang grupo ng mga rebelde.

Gayon pa man, hindi naman natukoy ang pa­ngalan ng mga sundalo na pawang nasa ilalim ng command ng Army’s 4th Infantry Division.

Samantala, nagsilikas naman ang 150 pamilya sa takot na maipit sa bakbakan.

Sa pahayag naman ni Army’s 4th Infantry Division  spokesman Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV, walang sundalo ng SF na naitalang nawawala sa nasabing engkuwentro kung saan nakasamsam pa ang tropa ng pamahalaan ng mga backpack, suber­sibong dokumento­ at mga medisina.

“All accounted ’yung mga soldiers natin, walang nawawala,” pagtanggi ni Osias sa iniulat ng Office of Civil Defense Caraga na ipinadala sa NDRRMC.

Ipinalalagay din ng opisyal na bahagi lamang ng black propaganda ng makakaliwang grupo ang kumalat na ulat na naka­rating sa OCD Caraga region.

 

Show comments