Ina grinipuhan ng anak, grabe

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nasa bingit ng kamatayan ang 55-anyos na ina matapos itong saksakin ng kanyang anak na adik sa droga sa Barangay Topas Sogod, bayan ng Nabua, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang ginagamot sa Rinconada Medical Center ang biktimang si Vivian Bernal habang tinutugis naman ang suspek na si Abrenz Bernal, 27.

Nabatid na sinermunan ng biktima ang kanyang anak dahil sa pagiging adik sa bawal na droga. Dito na nagalit at sinaksak ng suspek ang kanyang ina saka mabilis na tumakas.

 

Show comments