MANILA, Philippines - Itinumba ang babaeng lider ng militanteng grupong Bayan Muna matapos na pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Binondo, bayan ng Baganga, Davao Oriental noong Lunes ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Barangay Kagawad Cristina Jose, miyembro ng Barug Katawhan na organisasyon ng mga biktima ng bagyong Pablo na bumabatikos sa lokal na ahensiya sa pagkaantala ng mga relief goods.
Sa ulat ng Davao Oriental PNP na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-6 ng gabi nang lapitan at ratratin ang biktima matapos itong dumalo sa pagpupulong ng kanilang grupo sa nasabing barangay.
Nabatid na ang grupo ni Jose ay kabilang sa mga raliyistang rumansak sa boÂdega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Davao City.
kahun-kahong relief goods ang naipuslit ng mga nagsipagprotesta bago pa man dumating ang mga operatiba ng pulisya noong nakalipas na linggo.
Magugunita na aabot sa halos 2,000 ang nasawi at nawawala sa matinding delubyo ng bagyong Pablo noong Disyembre 2012.