MANILA, Philippines - Napatay ang kahero ng motel matapos na pagsasakÂsakin ng mga di-kilalang kalalakihan habang nasa kritikal naman ang room attendant sa naganap na holdapan sa 1st Street sa Guingona Subd., Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa.
Kinilala ang napaslang na si Jessie Laugo ng Maxer’s Lodge habang naisugod naman sa ospital ang room attendant na si Kenmark Fernandez, 19.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nagpanggap na mga kustomer ang grupo ng lalaki na armado ng patalim at baril kung saan agad nagdeklara ng holdap sa kahero ritong si Laugo.
Gayon pa man, nanlaban ang biktima kaya pinagsasaksak at nang marinig naman ang komosyon ay sumaklolo ang room attendant na si FerÂnandez pero sinaksak din ito ng isa sa mga holdaper.
Kaagad namang nagsitakas ang grupo ng holdaper patungo sa hindi pa malamang destinasyon.