2 pisak sa aircon bus

CAVITE, Philippines – Napisak ang katawan ng dalawang sibilyan makaraang salpukin ang kanilang motorsiklo at masagasaan ng pampasaherong aircon bus sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Panapaan 7 sa Bacoor City, Cavite kahapon ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Daryl Padro, 32; at Galos Sotto, kapwa nakatira sa Dasmariñas City, Cavite. Samantala, nakapiit naman sa himpilan ng pulisya ang driver ng San Agustin Bus Liner (TYS 633) na si Gary Corporal, 34, ng E. Zamora Street, Barangay Asis 1, Mendes, Cavite. Sa ulat ni SPO1 Ronaldo Orozco, magkaangkas sa motorisklo ang mga biktima nang salpukin ng nasabing bus kung saan pumailalim pa sa aircon bus. Naisugod pa sa St. Dominic Hospital subalit idineklarang patay ang mga biktima.

 

Show comments