TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi makaraang sumalpok ang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong jeepney sa kahabaan ng Naguillian-Baguio Highway sa Barangay Accao sa bayan ng Bauang, La Union kamakalawa. Kabilang sa mga nasawi ay sina Armand Miana, 30, driver ng motorsiklo at Bernardo Abobo, 34, ng Brgy. Central East sa nasabing bayan. Samantala, sugatan din ang driver ng jeepney na si Cesario Acosta, 54, ng Barangay Quinavite. Hindi na nakaabot ng buhay ang dalawa na sinasabing walang sout na helmet matapos isugod sa IlocosTraining Regional & Medical Center sa San Fernando City.