Baguio blast: 3 BCVAC sugatan

BAGUIO CITY , Philippines   â€” Tatlo-­katao ang malubhang su­gatan matapos sumabog ang granada sa basement ng Melvin Jones Grandstand sa Burnham Park, Baguio City kung saan idinaraos ang Panagbenga Flower­ Festival kahapon ng umaga­.

Kinilala ni Baguio City PNP director P/Senior Supt.Jesus Cambay Jr. ang mga sugatan na sina Joseph Espada, 49; Gilbert Salvador, 29; at si Gerard Palomique, 33, na nagtamo ng tama ng sharpnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan kung saan naisugod sa Baguio General Hospital and Me­dical Center.

Nabatid na may nag­hagis ng granada sa office ng Baguio City Volunteers Against Crime (BCVAC) kung saan ang tatlo ay abala sa pagsasaayos ng mga gagamitin sa flower float parade.

Isa sa tatlong tinamaan ng shrapnel ay tinangkang habulin ang naghagis ng granada subalit nakiha­lubilo sa mga nanonood ng parade.

Ayon sa BCVAC volun­teers, ang suspek ay pina­niniwalaang isa sa mandurukot na naunang nasakote ng grupo matapos makapambiktima kung saan sina­sabing paghihiganti ang motibo.

Naniniwala si Cordillera PNP director P/Chief Supt. Benjamin Magalong na ang suspek ay rumesbak lamang dahil sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng BCVAC sa pulisya laban sa  street criminals.

 

Show comments