Tulak itinumba ng tandem

BULACAN, Philippines  â€“ Pinabulagta ang 29-anyos na mister na sinasabing notoryus na tulak ng droga  matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Barangay Tabang sa bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon ng mada­ling-araw. Sampung bala ng cal.45 pistol ang bumaon sa katawan ng biktimang si Jeffrey Feleo ng Barangay Banga 2nd sa nasabing bayan. Sa inisyal na ulat ni P01 Gabriel Samson, nakatayo ang biktima sa bahagi ng Morante Building nang lapitan at ratratin. Narekober sa bulsa ng biktima ang apat na plastic sachet ng shabu, pinatuyong dahon ng marijuana at mga drugparaphenalias.

 

Show comments