Trader pumalag sa holdap, tinodas

BULACAN, Philippines  â€“ Pinaniniwalaang pumalag sa mga holdaper kaya pinagbabaril hanggang mapatay ang 37-anyos na negosyante sa kahabaan ng McArthur Highway sa Barangay Pio Cruzcoza sa bayan ng Calumpit, Bulacan kahapon. Dalawang tama ng bala ng cal. 45 pistol sa ulo ang tumapos sa buhay ni Arvin Dimaculangan, contractor/supplier ng mga awards at nakatira sa Brgy. Sumapang Matanda, Malolos City, Bulacan. Ayon kay P02 Garry Alava, lumilitaw na nagpapalit ng P2.9 milyong cash  sa banko ang biktima bago  nagmotorsiklo pauwi nang harangin ng apat na lalaking nakasakay din sa dalawang motorsiklo. Sinasabing tinangkang manlaban ng biktima sa mga holdaper subalit pinagbabaril ito saka tinangay ang shoulder bag na naglalaman ng malaking halaga.

 

Show comments