Pulis dedo sa nag-amok

QUEZON, Philippines  â€“ Nagbuwis ng buhay ang isang pulis na rumesponde sa nagaganap na kaguluhan matapos na hatawin sa ulo ng nag-amok na lalaki kung saan napatay sa Barangay Matandang Sabang Silangan sa bayan ng Catanauan, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng grabeng sugat sa ulo ay nakilalang si PO2 Roelan Organo ng Catanauan PNP habang napatay din ang nag-amok na si Mayolo Restor matapos na tamaan ng bala ng baril sa dibdib.

Ayon kay PO3 Esperidion Luistro, rumesponde ang grupo ni PO2 Organo sa pamumuno ni P/Insp. Eladio Merle kung saan tinungo ang bahay ni Restor.

Gayon pa man, tumindi ang galit at napagbalingang pukpukin sa ulo si PO2 Organo ng bareta de kabra.

Kahit sugatan ay nagawang barilin ni PO2 Organo si Restor sa dibdib.

Naisugod sa Bondoc Peninsula District Hospital ang pulis subalit nalagutan din ito ng hininga.

 

Show comments