Most wanted nilikida ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  â€“ Pinabulagta ng mga rebeldeng New People’s Army ang tinaguriang most wanted person matapos itong ratratin kamakalawa ng gabi sa Sitio Ingkoy, Barangay Bugtong sa bayan ng Mandaon, Masbate. Papauwi na ang biktimang si Elias “Okong” Madrilejos nang harangin at pagbabarilin ng mga rebelde bandang alas-11 ng gabi. Sa tala ng pulisya, si Okong ay may mga nakabinbing kasong double murder at double frustrated murder sa Masbate.

Show comments