Mister dinedo sa sabungan

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang napagtripan ng adik ang 21-anyos na lalaki kaya binaril at napatay sa harapan ng sabungan sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga. Tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos ni Wilmer Laudato ng # 33 Don P. Campos Avenue, Brgy. Zone 2 sa nabanggit na lungsod. Sa ulat ni PO3 Paulo Figueroa,  bandang alas-6 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa harapan ng Arcontica Coliseum habang patuloy naman ang pagsisiyasat ng pulisya.

Show comments