Sayawan grinanada

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isa ang nasawi habang kritikal naman ang kaibigan nito makaraang su­mabog ang granada na inihagis sa sayawan kahapon ng madaling-araw sa Barangay Bugtong sa bayan ng Mandaon, Masbate. Nakilala ang nasawi na si Mark Wilson Mesa, 21, habang  naisugod naman sa Masbate Provincial Hospital si Reynaldo Capinig, 30 , kapwa nakatira sa Barangay Alas sa nasabing bayan. Sa ulat ni P/Senior Supt. Heriberto Olitoquit,  nakikipag-inuman ng alak ang dalawa habang nanonood ng sayawan sa plaza nang umalingawngaw ang malakas na pagsabog. Nagpanakbuhan naman ang mga lumahok sa sayawan kung saan natagpuan ang dalawa na duguang nakabulagta.

Show comments