1 dedo, 7 grabe sa sakuna

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  - Isa ang nasawi habang pito-katao naman ang malubhang nasugatan matapos na mahulog ang kotse sa malalim na bangin sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Sooc sa bayan ng Lupi, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Idineklarang patay sa Sipocot District Hospital si Allan Ronald, 29, habang sugatan naman sina Darwin Paras, 33, driver; Rogelio Arcena, 38; Jimmy Serrano, 40; Mamerto Mesa Jr, 34; Randel Dela Cruz, 32; Danilo Orcino, 38; at si Solomon Junterial, 49, pawang nakatira sa Camarines Norte. Pinaniniwalaang nakaidlip sa pagmamaneho ang driver ng Toyota Innova (ZGW-749) kaya nawalan ng kontrol pagsapit sa kurbadang highway kaya nahulog sa bangin. Nabatid na papauwi na ang mga biktima mula sa Naga City matapos dumalo sa pagtitipon nang makasalubong ang trahedya.

 

Show comments