Sarangani niyanig ng 6.2 magnitude

MANILA, Philippines - Niyanig ng intensity 6.2 magnitude ang Sarangani at Davao del Sur kahapon ng tanghali.

Sa ulat ng Philippine Ins­titute of Volcanology Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng lindol sa 30-kilomentro ng silangan kung saan may 100 kilometrong lalim.

Naramdaman ang lakas ng lindol sa  intensity IV sa Mati at Taragona, Davao Oriental habang intensity 3 sa Davao City; at intensity 2 sa General Santos City, Butuan City, Malaybalay, Bukidnon.

Kasunod nito, muling­ nilindol ang Sarangani kasama ang Davao del Sur na may lakas na 3.4  magnitude  kahapon.

Sa ulat ng Phivolcs, nai­tala ang pagyanig sa lalim na 74-kilometro na may epicenter na 101 kilometro sa silangan ng nabanggit na lugar.

Una ng kinumpirma ng ahensya na asahan pa umano ang mga aftershocks kasunod ng naramdamang pagyanig kahapon ng hapon.

Show comments