65 tiklo sa drug den raid

LAGUNA, Philippines – Arestado ang 65-katao matapos salakayin ang notoryus na drug den sa Sitio Tramo, Barangay Canlalay sa Biñan City, Laguna kahapon ng madaling-araw. Bandang alas-4 ng madaling araw nang salakayin ng pangkat ni P/Supt. Pascual G. Muñoz, ang

ilang drug den matapos magpalabas ng 15 search warrants si Judge Julian D. Jison ng 4th Judicial region, MCTC Liliw-Magdalena. Nasamsam sa drug den ang P60, 000 halaga ng shabu, P.1 milyong cash, 111 fruitgames/video karera machines, 5 abandoned MCs, 1 squires

bingham rifle cal.22 at ilang drug paraphernalia. Hindi inaasahang naaresto rin ang isang wanted person na si Erick Cariño na may kasong estafa.

Show comments