Misis pisak sa truck

MANILA, Philippines - Patay ang 58-anyos na misis matapos itong magulungan ng dump truck na minamaneho ng kaniyang ka-live-in sa Barangay Babag, Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ang biktima na si Lodivina Ebaoc habang arestado naman

ang ka-live-in nitong si Rolito Gisabal, 48. Lumilitaw na hindi namalayan ni Gisabal kasama ang pahinante nitong si Alfredo Bontis na nasa tabi ng trak ang biktima na hinihinala nitong sumuot pa sa ilalim kaya nagulungan. Sa pahayag naman ni Gisabal sa mga imbestigador,

sinabi nitong posibleng nag-suicide ang biktima dahil madalas silang nag-aaway sa pag-aakalang may iba siyang babae. Samantala, hindi miminsan nagbanta ang biktima na magpapakamatay sa oras na malamang may ibang karelasyon si Gisabal.

Show comments