MANILA, Philippines - Nakaambang putulan ng supply ng kuryente ang buong Olongapo City dahil sa hindi nababayarang P4 bilyong utang ng lokal na pamahalaan sa Power Sector Asset and Liabilities Management Corp. (PSALM).
Ito ang inihayag ni Dept. of Energy Secretary Carlos Jericho Petilla makaraang tanggapin ng Public Utilities Department ang disconnection notice na inihain ng PSALM kaugnay sa bilyong pagkakautang nito.
Una ng binitawan ng San Miguel Corp. ang pagbibigay ng kuryente sa nasabing lungsod dahil sa hindi rin pagbabayad ng multi-milyong pagkakautang nito bago nakapasok ang PSALM bilang supplier ng kuryente.
Nahaharap ngayon sa malawakang blackout (citywide power disconnection) ang Olongapo City sa susunod na mga araw.
“Kailangang i-prayoridad ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Gapo kung papaano sosolusyunan ang malaking pagkakautang at dapat gumawa ng panibagong pamamaraan dahil kapag nawalan ng kurÂyente na suplay lalo na sa tinaguriang highly urbanized city ay problemang krusyal,†pahayag pa ni Petilla.