MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing masuspinde at makasuhan ang bise alkalde sa lalawigan ng Lanao del Norte makaraang masamsam ang ibat’ ibang uri ng armas at bala sa loob ng kanyang tahanan sa bayan ng Pantao Ragat nong Miyerkules ng madaling-araw.
Sa report ni P/Chief Supt. Catalino Rodriguez Jr., acting director ng police regional office10, bandang alas -2:30 ng madaling araw nang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang tahanan ni Pantao Ragat Vice Mayor Lacson Mangotara Lantud sa Barangay Poblacion.
Ni-raid ang bahay ni Lantud base sa search warrant na ipinalabas ni Judge Mario de la Cruz Jr. Manila Regional Trial Court Branch 22 sa kasong illegal possession of firearms (Presidential Decree 1866).
Gayon pa man, waÂla ang vice mayor kung saan ang misis nitong si Pantao Ragat Mayor EleaÂnor Dimaporo Lantud ang tumanggap ng search warrant na sinaksihan ng mga opisyal ng barangay.
Kabilang sa mga armas na nasamsam ay anim na M203 grenade launchers, M60 machine gun, dalawang M79 grenade launchers, siyam na M14 rifles, dalawang M16 rifles, 14 Garand rifles, anim na maiikling baril at mga bala.