Lola minartilyo ng kabaro, todas

CAVITE, Philippines - Nabasag ang bungo at agad na namatay ang 78-anyos na lola matapos itong martilyuhin ng kabarong lola kamakalawa ng hapon sa Trece Martires City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Conchita Concepcion ng Barangay Hugo Perez habang arestado naman ang suspek na si Librada De Castro, 70. Sa imbestigasyon ni PO2 Richard Chavez, nadiskubre ang krimen bandang alas-2:30 ng hapon matapos magreklamo ang mga kapatid ng biktima na  sina Susan Abrera at Romulo Abrera. Patuloy naman ang imbestigasyon habang nakakulong ang suspek.

Show comments