SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Labindalawang tauhan ng ng Bureau of Fire Protection ang nalason matapos kumain ng kontaminadong isda sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte kamakalawa. Lumilitaw na nakaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo
ang mga biktima matapos kumain ng isang uri ng isdang tuna na tangi (dumadara). Dito na isinugod sa Gertes Hospital ang mga biktima kung saan sinasabing nasa maayos na umanong kalagayan. Nabatid na ang isdang tuna ay dalawang araw na itong nalambat ng mga
mangingisda sa dagat bago nabili ng mga biktima.