Magsasakang katiwala pinasabog ang sarili

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Hindi nakayanang dalhin ng 33-anyos na katiwala ang matinding karamdaman kaya nagpasyang mag-suicide matapos pasabugin ang sarili gamit ang gra­nada sa Barangay Nueva Era sa bayan ng San Manuel, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez, ang biktimang magsasaka na si Dante Balloran, caretaker ng abandonadong bahay na pinangyarihan ng pagpapasabog.

Nabatid na may malubhang karamdaman ang biktima dahil sa malimit nitong pagdaing na masakit ang kanyang tiyan.

Narekober ng pulisya ang suicide note sa tabi ng gutay-gutay na katawan ng biktima  na nagsasabing - “patawarin po ako.”

Matatandaan na noong 2012, isa namang ba­rangay chairman sa bayan ng Anga­danan ang nagbigti sa piggery matapos mapag-alaman ang malala niyang sakit sa kidney.

 

Show comments