Magsasaka pisak sa trak

MANILA, Philippines - Pisak ang 47-anyos na magsasaka matapos itong mahagip ng 18-wheeler trailer truck sa naganap  karambola ng sasakyan sa kahabaan ng highway sa Barangay Nueva Era sa bayan ng San Manuel, Isabela, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Alonzo Ramel, traysikel driver habang kritikal naman sina Jurel Madarang at Jay-ar Marayag. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Vicente Valdez, lumalabas na tinangka ni Ramel na mag overtake sa sinusundang truck ni Rodel Moises subalit nabitin ito kaya sumalpok sa kasalubong na motorsiklo nina Madarang at Marayag. Tumilapon si Ramel mula sa kanyang traysikel at nasagasaan ng trak ni Moises.

Show comments