3 tiklo sa pangongotong

BATAAN, Philippines - Nagwakas ang modus operandi ng  tatlong sibilyan na nagpanggap na mga alagad ng batas makaraang arestuhin ng pulisya sa aktong pangongotong sa may-ari ng tindahan sa Barangay Reformista sa bayan ng Limay, Bataan, kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ni P/Supt. Criscente Tiguelo, ang mga suspek na sina Sheryl Mariano, 30, ng Sitio Roxas, Brgy. St. Francis; Rudy dela Cruz, 23; at si Michael Joe dela Cruz, 25, kapwa nakatira sa Navotas City. Ayon kay PO3 Jaime Austria Jr., ang tatlo na nagpakilalang

mga pulis ay nadakma matapos ireklamo ni Anastacia Matorgo na sinasabing hinihingan ng P50,000 para hindi arestuhin dahil sa bentahan ng uling mula sa pinutok na kahoy. Dito na inilatag ang entrapment operation ng grupo ni P/Chief Insp. Crisalde Conde kaya inaresto ang

mga suspek kung saan narekober ang P500 marked money.

 

Show comments