Ilegal rekruter arestado

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 36-anyos na ilegal rekruter na sinasabing nakapanloko ng 22-katao matapos madakma ng mga awtoridad sa inilatag na operasyon sa Barangay Dalahican, Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Joselito Nicodemus, hepe ng regional Maritime ang suspek na si Nilda Villareal ng United Ba­yanihan, San Pedro, Laguna. Napag-alamang naningil ang suspek sa mga biktima ng halagang P80,000 para sa trabaho sa South Korea subalit

hindi naman natupad. Dito na huminggi ng tulong sa mga awtoridad ang mga biktimang nagmula pa sa Laguna, Batangas, Pampanga at Cotabato.

Show comments