MANILA, Philippines - Umaabot sa P.8 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos tupukin ng apoy ang 100 kabahayan kung saan isa naman ang nasugatan sa squatters area sa General Santos City kahapon ng hapon. Kinilala ni Fire Officer 3 Melvin Brameda ng General Santos City Fire Station ang biktima na si Sandy Sulaiman, nagtamo ng sugat sa likurang bahagi ng katawan. Bandang ala-1:43 ng hapon ng maganap ang sunog sa Purok Islam, Brgy. Dadiangas South malapit sa tabing dagat. Ayon kay Brameda, ang sunog ay nagsimula sa tahanan ni Sulaiman kung saan mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing kabahayan na barung-barong at dalawa lamang ang konkreto. NaaÂpula naman ang sunog habang patuloy ang imbestigasyon.