Magkaibigan tiklo sa droga

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng magkaibigang lalaki makaraang masakote ng pulisya sa bentahan ng bawal na droga sa inilatag na buy-bust ope­ration sa Barangay Matimbulong, San Ildefonso, Bulacan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Michael Ian Ignacio, 34, ng Brgy. Pinaod; at Ronald Ramos, 46, ng Brgy. Malipampang. Bukod sa marked money na ginamit ng pulisya sa operasyon ay nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu at marijuana, mga drug paraphernalia, mga bala. Ang dalawa ay lulan ng Honda Civic (CPU648) nang masakote ng mga operatiba ng pulisya.

Show comments