2 dedo sa salpukan ng bike

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang dalawa naman ang malubhang na­sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. Tambo, Ligao City sa Albay kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Josefina Belmonte Duran Memorial Hospital ang biktimang sina Allan Revilla, 35, ng Brgy. Binatagan; at Gilbert Maristela, 44, ng Brgy. Amtic. Samantala, sugatan naman ang mag-amang Artemio Revilla, 55, ama ni Allan; at Roland Revilla, 12. Base sa

police report, patungong Tabaco City ang mag-aama na lulan ng motorsiklo nang sumalpok sa motorsiklo ni Gilbert.

Show comments