Bugaw sa park, nilikida

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Napaslang ang 51-anyos na dating asset ng pulisya at ngayon ay naging bugaw sa park makaraang pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang nagmamaneho ng traysikel sa Barangay San Isidro, Cabanatuan City, Nueva Ecija

kamakalawa ng hapon. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Eli Depra, hepe ng Cabanatuan City PNP, Lumilitaw na patungong Freedom Park ang biktimang si Pedro Delos Santos nang harangin at ratratin ng gunman.  Sa tala ng pulisya, si Delos Santos ay sinibak bilang asset ng

pulisya dahil sa sinasabing pagkakasangkot nito sa bentahan ng droga at pambubugaw ng mga kababaihan sa nasabing park.

Show comments