MANILA, Philippines - Nasakote ng mga taÂuhan ng PNP-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang limang kidnaper na responsable sa pagdukot at pagpatay sa negosyante at daÂting Board member sa bayan ng Libon, Albay na si Jose Saribong sa isinagawang follow-up operations sa Rizal.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark Stanly BangÂhulot, Teody Manghuyop, Randie Tagalogon, Roger Escropolo at si Roger Merabite.
Ang mga suspek ay sinaÂsabing sangkot sa pagdukot kay Saribong noong Enero 23 kung saan sa kabila ng pagbabayad ng P30 milyong ransom ng pamilya nito ay pinatay pa rin saka itinapon sa bahagi ng Cogeo, Antipolo City, Rizal noong Pebrero 2.
Si Saribong ay dating Board member sa bayan ng Libon, Albay na sinaÂsabing dinukot ng mga suspek noong Enero 23 sa Golden Meadows Avenue sa Brgy. Mayamot, Antipolo City.
Lumilitaw na P890,000 lamang ang naipadala ng pamilya nito sa account ng isa sa mga kidnaper.
Sa imbestigasyon, ang biktima ay kasama ng driver nitong si Jimmy Palermo na lulan ng Mercedes Benz C200 Sedan (ZKV 600) na bumabagtas sa lugar nang harangin ng mga suspek na sakay naman ng abuhing SUV.
Ayon kay PNP-AKG Director P/Senior Supt. Renato Gumban, binaril at napatay ang driver ni Saribong.
Isa sa mga kidnaper na si Randy Tagalogon ang nakonsensya at ikinumpisal kaya nasakote ang mga suspek.