2 utas sa road mishap

CAMARINES NORTE, Philippines — Dalawang sibilyan ang kumpirmadong nasawi sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa Camarines Norte kamakalawa ng madaling-araw. Sa ulat ni P/Chief Insp. Wilmor Halamani, idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital

si Noel Gache, 43, ng Purok 3, San Francisco Talisay at sinasabing pamangkin ni Board member Pol Gache. Sumalpok ang motorsiklo ng biktima sa waiting shed malapit sa Sto. Domingo Elementary School sa bayan ng Vinzons. Samantala, sumalpok naman ang SUV ni Nilo

Alolos sa concrete barrier sa gilid ng highway sa Bagumbayan Sur, Naga City kung saan namatay si Alolos. Sugatan naman sina Atel Alolos, Leonor Cu, at si Michael Wilhem. Pinaniniwalaan ng pulisya na nakaidlip ang driver na si Alolos kaya naganap ang sakuna.

 

Show comments