Misis binoga ng mister

ILAGAN CITY, Philippines - Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya binaril at malubhang nasugatan ang 24-anyos na misis ng kanyang mister na bombero sa kanilang bahay sa Brgy. Anao, Cabagan, Isabela kamakalawa. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang biktimang si Maria Carisse Trinidad, tubong Amulong, Cagayan at police trainee habang nasakote naman ang suspek na si FO1 Jolibee Trinidad, 24, miyembro ng Bureau of Fire Protection sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan. Lumilitaw na nagkainitan ang mag-asawa sa hindi pa nabatid na dahilan kung saan humantong sa matinding panibugho ng suspek laban sa biktima.

Show comments