Mekaniko pisak sa trak

BULACAN, Philippines – Napisak ang katawan ng 28-anyos na mekaniko matapos magulungan ng  dalawang trak na kanyang kinukumpuni sa motorpool sa Barangay Iba, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga. Idineklarang patay sa Mary Mount Hospital ang biktimang si Antonio Tugado ng Brgy. Bagumbong, Caloocan City habang sumuko naman ang tsuper ng trak na si Vernie Baldon. Ayon kay P03 Phillip Santos kinukumpuni ng biktima ang ilalim ng trak na nakaparadang sa Greenbolt Transport nang magulungan ito ng isa pang trak na sinalpok naman ng sasakyan ni Baldon na umaatras. Naisugod pa sa nasabing ospital ang biktima subalit namatay din.

Show comments