ILAGAN CITY, Philippines - Labindalawa-katao ang iniulat na nasa kritikal na kalagayan makaraang sumalpok ang pampasaherong jeepney sa gilid ng bundok sa BaraÂngay Bangbangolan, San Fernando City sa La Union kamakalawa. Lumilitaw na nawalan ng preno ang sasakyang minamaneho ni Roland Higoy ng Barangay Pacpaco habang binabagtas ang pababang bahagi ng highway. Sinabi ni Higoy na miÂnabuti na lamang niyang ibangga sa gilid ng bundok ang jeepney kaysa mahulog sa malalim na bangin. Gayon pa man, tumilapon palabas ng jeepney ang mga pasahero na malubhang nasugatan habang sumuko naman sa pulisya ang tsuper na si Higoy, 37.