100 kabahayan nasunog

MANILA, Philippines - Umaabot sa 100 kabahayan ang naabo sa naganap na sunog sa isang residential area sa Biñan, Laguna nitong Biyernes ng gabi.

 Sa ulat ng Laguna Police, bandang alas-9 ng gabi ng maganap ang sunog sa isa sa mga bahay sa  Poblacion ng Biñan na mabilis na kumalat sa katabing mga kabahayan na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.

 Naapula naman ang apoy matapos na magresponde ang mga bumbero bandang alas-11:45 ng gabi.

 Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa insidente matapos na mabilis na makalabas ng kanilang mga tahanan ang mga residente.

 Pinaniniwalaan namang ang sunog ay nagmula sa isang nag-overheat na appliances habang patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Show comments