2 pisak sa killer bus

BAGUIO CITY, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa magkaibingan na sinasabing lango sa alak matapos mahagip ang kanilang motorisiklo ng pampasaherong bus sa kahabaan ng national highway sa Barangay Libtong sa bayan ng Tagudin, Ilocos Sur kahapon. Kinilala ang mga namatay na sina Marlon Lorenzana, 23, driver ng motorsiklo at Oliver Partible, 17, kapwa nakatira sa  Barangay Alilem Daya sa bayan ng Alilem. Samantala nasa custody ng pulisya ang driver ng Partas Bus na si Cresencio Duque, 49, ng bayan ng Bucay, Abra. Sa imbestigasyon ng pulisya, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo mula sa inuman nang biglang tumawid mula sa shoulder ng highway. Dito na nahagip ng bus ni Duque ang motorsiklo ng mga biktima kung saan tumilapon ng may ilang metrong layo.

 

Show comments