4-anyos pinagtataga, ginilitan

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 4-anyos na batang lalaki matapos na pagtatagain ay ginilitan ng pangtabas ng tubo ng 19-anyos na lalaking  may epilepsy  sa Barangay Camang-Camang sa bayan ng Isabela,  Negros Occidental kamakalawa. Kinilala ang biktima na si July John Puping habang bugbog sarado naman sa taumbayan bago pa man masakote ng pulisya ang suspek na si Joel Canion. Base sa police report, naganap ang krimen habang ang biktima at kapatid nito ay naglalakad pauwi nang harangin ng suspek. Nagawa namang makatakbo ng nakatatandang kapatid ng biktima na isa ring bata na siyang nagsuplong sa mga magulang. Agad na sumaklolo ang mga magulang ng bata kasama ang ilang residente at hinabol ang suspek malapit na sa bayan ng Castellana kung saan bugbog sarado ito bago pa man dumating ang pulisya.

Show comments