17-anyos ni-rape ng magbayaw

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng magbayaw matapos arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa kasong rape laban sa 17-anyos na dalagita sa San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Bukod sa kasong rape ay nahaharap din sa mga kasong robbery/holdup at agaw-armas ang mga suspek na sina Ryan Martinez, 24, computer technician at Rommel Dizon, 19, kapwa nakatira sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Reniel Valones, hinalay ng mga suspek ang 17-anyos na out-of-school youth bago hinoldap ang negosyanteng babae sa Caloocan City. Inagawan pa ng shotgun at cal. 38 revolver ang sekyung si Micahel Sienes bago tumakas lulan ng motorsiklo. Sa follow-up operation, nasakote ang mga suspek sa nasabing lungsod.

Show comments