Kahera ng restaurant, itinumba

LAGUNA , Philippines – Napatay ang 39-anyos na kahera sa fastfood chain matapos itong barilin ng isang lalaki sa bahagi ng Barangay 3-D sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi.  Kinilala ang biktima na si Sherly Alday, kahera, cook ng Marvin’s Chill-Out Place sa Del Pilar Street sa nasabing barangay. Nasakote naman sa checkpoint sa Maharlika Highway, Barangay San Ignacio, ang suspek na si Edilberto Paz kung saan nasamsam ang cal. 9mm pistol na may 24-bala, 2 magazines at plastic sachet ng shabu. Sa police report na nakarating kay  P/Senior Supt. Pascual Muñoz, Laguna PNP director, si Edilberto ang itinuturo ng dalawa testigo na sinasabing nakapatay sa biktima.

 

Show comments