Akyat-bahay utas sa pulis

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Isa sa tatlong miyembro ng Akyat-bahay gang ang napatay matapos looban ang bahay ng pulis  sa Barangay  Central East sa bayan ng Bangar, La Union kamakalawa. Kinilala ang napatay na si Arnold Cabanilla ng Rosales, Pangasinan habang sumuko naman ang nakabaril na si PO3 Ernesto Ganat Jr. Sa police report, nabatid na naaktuhan ni PO3 Ganat ang tatlo na nililimas ag kanyang mga gamit sa bahay kaya pinaputukan niya ang mga ito kung saan napatay si Cabanilla. Samantala, tugis naman ng pulisya ang dalawang kasamahan ni Cabanilla.

Show comments