Kawani ng const. itinumba

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinaniniwalaang ‘di-epektibo ang Comelec gun ban na ipinatutupad sa iba’t ibang panig ng kapuluan makaraang barilin at mapatay ang 31-anyos na kawani ng construction firm ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Masupe sa bayan ng Balaon, La Union kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa batok ang biktimang si Rammil Nisperos ng Barangay Talogtog sa bayan ng San Juan, La Union. Ayon sa ulat, nagmamaneho ng sasakyan ang biktima nang harangin at barilin sa national highway sa nabanggit na barangay. Isa ang La Union sa 15 lalawigan bilang election hotspots of concern.

Show comments