Comelec gun ban: tanod inutas

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Patuloy na nababahiran ng dugo ang umiiral na gun ban ng Commission on Elections  (Comelec)  matapos na isa na namang kaso ng pamamaril at pagkakapatay sa isang brgy. tanod na pinagbabaril ng mag-utol sa Brgy. Ridondo, Iguig, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonio Cagurangan, 54 samantala ang mga suspek ay ang magkapatid na sina Rolly at Rowell Tumanguil; pawang  residente rin ng nasabing lugar.

Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima ng biglang sumulpot ang magkapatid na riding-in-tandem at pagtapat sa biktima ay niratrat ito.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng cal.45 pistol ang biktima na siyang agarang kumitil sa buhay nito. Pinaniniwalaan namang isang lumang alitan ang motibo ng krimen.

Show comments