CAMARINES NORTE, Philippines – Walang nang buhay ng madiskubre ng isang kapitbahay ang hubo’t hubad na katawan ng isang 58 anyos na lalaki na dating bodyguard ni dating Governor Casimiro ‘Roy’ Padilla Jr., na kasalukuyang nanunuluyan sa kapatid na babae sa Purok 4 Brgy. Bliss Magang, Daet, Camarines Norte kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Supt. Winston De Belen ang biktima na si Lamberto De Asis, 58, may asawa ng nasabing lugar. Batay sa impormasyon na ipinarating ng isang nagngaÂngalang Noel Peñafiel, isang driver ang nakatuklas sa bangkay ng biktima bandang alas-9 ng umaga na hubot hubad na nakatihaya sa kanyang higaan. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, wala namang makitang palantandaan na may naganap na foul play, bagamat isinailalim na rin sa awtopsiya upang malaman ang sanhi ng kamatayan ng biktima na sinasabing may sakit na hepatitis at diabetes.