ZAMBALES, Philippines - Upang maiwasan ang pagkahawa ng sakit na sexually transmitted disease (STD) sa mga kababaihan, itinayo ang community clinic na ginawang healthcare and wellness center sa bayan ng Subic, Zambales. Sa pakikipag-ugnayan ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang Subic, itinatag ng Redondo Peninsula Energy Inc. ang Usapang Babae Health and Wellness Hub sa Barangay Calapandayan. Ayon kay project manager Grant Smith, isang oportunidad para sa mga kababaihan na namamasukan sa iba’t ibang night club sa nasabing bayan ang libreng gram staining at pap smear test. Ilulunsad din ang regular na seminar activities sa cervical cancer awareness and basic reproductive health consciousness. Kasunod nito, itinatag din ang Subic Municipal Health Office at ang Presidential Council on Women sa pagpapatakbo ng wellness hub facility kung saan maglalaan din ng mga makabagong medical na kagamitan.