Cafgu tumba sa encounter

MANILA, Philippines - Napatay ang isang kasapi ng Cafgu Active Auxiliary matapos makasagupa ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa bahagi ng Barangay Neb sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa. Ayon kay Captain William Rodriguez, spokesman ng Army’s 1002nd Brigade, narekober ang bangkay ng biktimang si Rene Amartiral sa isinagawang clearing operations. Lumilitaw na rumesponde ang Army’s 27th Infantry Battalion matapos makatanggap ng ulat kaugnay sa paghahasik ng gulo ng grupo ni Kumander Binago alyas Mod. Sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at ng grupo ni Mod  matapos magsalubong ang magkalabang panig kung saan napuruhan ang biktima kung saan pinaniniwalaan  nalagasan din ng puwersa ang mga bandido base sa mga patak ng dugo na nakita sa dinaanan ng mga ito sa pagtakas.

 

Show comments