College stude utas sa killer bus

QUEZON , Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang college student matapos na bumangga ang kaniyang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong bus sa Maharlika Highway sa Barangay Angeles, Atimonan, Quezon kamakalawa ng madaling-araw. Naisugod naman sa Emil Juana Hospital ang biktimang si Justine Villasin subalit dahil sa grabeng kapinsalaan sa ibat-ibang bahagi ng katawan ay nalagutan ito ng hininga. Lumilitaw na nagmomotorsiklo ang biktimang 3rd year college nang nawalan ng kontrol pagsapit sa kurbadang highway kaya dumulas saka tuluyang sumalpok sa kasalubong na Peñafrancia Bus (TYP-963) na minamaneho ni Manuel Navales ng Camarines Sur.

 

Show comments