CEBU CITY , Philippines – Umaabot sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo matapos masunog ang 13 bahay habang lima-katao ang sugatan sa Sitio Laguna, Barangay Bulacao sa Cebu City, Cebu kamakalawa ng hapon.
Tumagal ng 25-minuto ang sunog na nagsimula bandang ala-1:40 ng hapon kung saan nag-panic nga mga magulang at estudyante sa kalapit na Bulacao Community Elementary School.
Sa ulat ni Insp. Jose Laurito, officer-in-charge ng Cebu City Fire Department, nagsimula ang apoy sa bahay ni Marilou Ouano na sinasabing naglaro ng posporo ang mga anak.
Isa sa 1-anyos na anak ni Marilou ay nagtamo ng sunog sa katawan habang papalabas ng kanilang bahay na nasusunog.
Kinilala rin ni fire investigator SFO2 Emiliano Daño ang 10-Âanyos na si Jessa Althea Saducas bago isinugod sa Miller Hospital. Isa rin si James Villamiro, 25, ang nasugatan matapos mahulog mula sa bubungan ng kanilang bahay dahil sa pagsagip sa ilang gamit.
Nahirapan ang mga miyembro ng pamatay-sunog na maapula ang apoy dahil makipot ang kalsada patungo sa fire scene.